Arestado ang isang 45-anyos na lalaking pasahero mula Japan na naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 dahil sa kasong large-scale illegal recruitment at serious illegal detention.
Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng koordinasyon ng Philippine National Police–Makati Police, AVSEGROUP, Bureau of Immigration, at ng NAIA Police Station 3, kasama ang Guadalupe Nuevo Sub-Station 7 noong Abril 20.
Batay sa imbestigasyon, dumating sa bansa ang suspek na may nakabinbing warrant of arrest na walang piyansa.
Nahaharap ang akusado sa kasong paglabag sa Article 267 of the Revised Penal Code at Republic Act No. 8042 na inamyendahan ng Republic Act No. 10022.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Guadalupe Nuevo Sub-Station 7 ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik ang warrant nito sa korte.
Una nang sinabi ng ahensya na nais nilang tiyakin ang kaligtasan ng publiko at patuloy na gawing ligtas ang bansa para sa pamumuhay, trabaho, at negosyo.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

