PINAG-IINGAT ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga overseas Filipino worker(OFWs) sa Milan Italy sa mga demonstrasyon laban sa mga pulis.

Patuloy na minomonitor ng DMW ang sitwasyon sa Milan, Italy, kasunod ng mga demonstrasyong nauwi sa sagupaan sa pagitan ng mga pulis at ilang nagpoprotesta.

Ayon sa DMW may mga insidente ng paghahagis ng bato, paninira sa mga tindahan at pagsusunog ng mga basurahan malapit sa Piazza Duomo kung saan gumamit din umano ng tear gas ang mga pulis upang makontrol ang kaguluhan.

Sa ngayon, wala pang impormasyon na may mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasaktan o direktang naapektuhan ng mga pangyayari.

Nakikipag-ugnayan ang Migrant Workers Office (MW) Milan sa mga kinauukulang awtoridad upang makakuha ng karagdagang impormasyon.

Pinapayuhan ang mga manggagawang Pilipino sa italya na manatiling mapagmatyag at umiwas sa mga lugar na may demonstrasyon o kaguluhan, kabilang ang matataong pampublikong iwasan at huwag
makilahok sa mga pagtitipon na maaaring mauwi sa karahasan.(Gina Garcia)

 

Share.