Sumailalim sa operasyon ang 12 taon gulang na lalaki para matanggal ang bala sa kanyang kanang paa matapos mabaril sa Magsingal, Ilocos Sur noong Miyerkules ng gabi, August 19, 2026.
Sa imbestigasyon ng pulisya, gumagawa ng kanyang school assignment ang bata ng dumating ang kanyang 41 taon gulang na tiyuhin na umano’y lasing.
Inilabas umano niya ang kanyang revolver na baril at tinanggal ang mga bala nito.
Nilaro umano niya ang baril at kinakalabit, pero sa pangatlong pagkalabit niya, pumutok ang baril dahil meron pala siya hindi natanggal.
Natamaan ang paa ng kanyang pamangkin na nakaupo lamang malapit sa kanya.
Agad na nagpatulong ang bata sa kanyang mga magulang na agad naman siyang dinala sa ospital.
Sa pagresponde ng mga pulis, malinis na umano ang crime scene, pero huli pa rin ang suspek matapos ituro siya ng kanyang isa pang kapatid nakita niya na siya ang aksidenteng nakabaril sa kanyang pamangkin.
Nakumpiska rin ang baril at lumalabas sa imbestigasyon na isinangla lamang ito sa kanya.
Desidido ang pamilya ng bata ang pagsampa ng reklamo sa suspek para magtanda raw ito.
Madalas umanong ganito ang ginagawa niya na mahirap awatin kapag lasing.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

