Muling ilulunsad ng pamahalaang lungsod ng Malabon ang cash-for-plastic recycling program sa Mayo 28, kung saan maaaring ipagpalit ng mga residente ang kanilang plastic waste kapalit ng pera.
Pangungunahan ito ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) katuwang ang Sentinel Plastic Corporation sa ilalim ng programang “Sa Plastic na Basura, May Kita Ka!” na layong bawasan ang plastic waste at isulong ang recycling at environmental sustainability.
Gaganapin ang collection drive sa parking lot ng Robinsons Mall mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.
Maaaring ipalit ng mga residente ang recyclable polyethylene terephthalate (PET) bottles at iba pang plastic components kapalit ng cash.
Sa ilalim ng programa, bibilhin ang malinaw na PET bottles sa halagang P21 kada kilo, habang ang asul at berdeng PET bottles ay P10 kada kilo. Ang bottle caps o rings ay P20 kada kilo, at ang bottle labels ay P7.50 kada kilo.
Ayon sa pamahalaang lungsod, layunin ng programa na gawing may katumbas na halaga ang plastic waste habang hinihikayat ang tamang waste segregation at recycling sa mga residente.
Trending
- Ateneo , nag-sorry sa pamilya ng nasawing athletes
- Cebu City napiling host ng FIBA Women’s Asia Cup 2027, official logo inilabas na
- Pagkilala kina Eala, Obiena, at Yulo, inihain sa Senado
- Suntay, Topacio masisibak sa pagka-abogado sa Anne Curtis ‘nag-init’ isyu
- Resto inireklamo sa ‘dog meat’ menu
- Drug dealer patay sa police ops
- 2 stude sugatan sa rambulan
- Tennis academy itatayo sa CamSur Uptown

