NAGULANTANG ang fans ng San Antonio Spurs matapos magka-injury ang kanilang star na si Victor Wembanyama sa Game 2 ng kanilang playoff series kontra Portland Trail Blazers.
Nangyari ang insidente sa ikalawang quarter matapos ang isang malakas na pagbagsak habang papasok sa basket si Wembanyama.
Tumama ang kanyang baba sa sahig at panandaliang nawalan ng malay.
Agad siyang isinailalim sa concussion protocol matapos makapaglaro lamang ng 12 minuto. Tuluyan na siyang hindi pinabalik sa laro, ayon sa coaching staff.
Ayon kay Spurs coach Mitch Johnson, wala nang ibang injury na nakita maliban sa concussion.
Kinakailangan umano ng pahinga at masusing pagsusuri bago siya makabalik.
Natapos ang laro sa iskor na 106-103 pabor sa Blazers, na nagtabla sa serye sa 1-1.
Malaking kawalan ang pagkawala ni Wembanyama sa natitirang bahagi ng laban.
Inaasahang susunod na susuriin ang kondisyon ng batang bituin bago ang Game 3 sa Portland, kung saan mahalaga ang kanyang presensya para sa kampanya ng Spurs.
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman

