Nasawi ang isang Moro na ama ng tahanan sa ambush sa Barangay Balala sa bayan ng Upi sa Maguindanao del Norte nitong Lunes, April 13.
Sa ulat nitong Martes ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office at ng Upi Municipal Police Station, sakay ng kanyang motorsiklo si Panun Mundas ng tambangan ng mga armadong nakaabang sa kanya sa isang lugar sa barangay Balala na nagsanhi sa kanyang agarang pagkamatay.
Sa ulat, nadeklarang dead on arrival si Mundas ng mga doctor sa Datu Blah Sinsuat District Hospital sa Upi, isa sa 12 na mga bayan sa Maguindanao del Norte, kung saan siya isinugod ng mga barangay officials upang malapatan sana lunas.
Ayon sa mga local executives sa Upi, mabilis na nakatakas ang mga nag-ambush kay Mundas.
Makikita sa larawan ang fatal ambush victim na si Mundas.
Trending
- Thunder di na kayang tumingin ng malayo
- Oscar Schmidt pumanaw na
- Vice Ganda, nag-ayuda ng P5K sa mga tsuper
- Mark Herras, e-exit na sa showbiz?
- Elisse Joson, ‘di pa bet magjowa
- DTI inilunsad P2B transport loan para sa mga operator, driver
- PBBM nagpalabas ng EO na nagsususpinde sa excise tax sa LPG, kerosene
- Toll-free passage ng mga trak ng gulay galing Benguet, aprub kay PBBM

