Nasamsam  ang abot sa P12.4 million na halaga ng sigarilyo na lulan ng isang van-type truck na kanilang naharang sa isang bahagi ng highway sa Sitio Marayag sa Barangay Bayanga Norte sa Matanog, Maguindanao del Norte noong Martes, August 18.
Sa ulat nitong Huwebes ng mga local executives at mga officials ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang naturang truck, napigil ng mga pulis sa isang checkpoint sa Sitio Marayag sa Barangay Bayanga Norte, ay may kargang 290 na mga malalaking kahon ng sigarilyong gawa sa Indonesia, nagkakahalaga ng P12.4 million.
Ayon sa mga officials ng Matanog Municipal Police Station, ihahatid sana ng driver ng naturang truck, si Arniel  Alegarbes, 55-anyos, at kanyang 23-anyos na helper na si Jaytonie Isidro, ang mga smuggled na sigarilyo sa mga contacts sa ilang mga bayan sa Maguindanao del Norte at sa Cotabato City.
Sumasailalim na sa kaukulang interogasyon sina Alegarbes at Isidro na pansamantalang nasa kustodiya na ng Matanog police force.
Sila ay nangakong kikilalanin ang mga smugglers na pinagmulan ng nasamsam na mga imported na sigarilyo.
=======

Share.