Inakusahan ni Senator Imee Marcos na may umano’y planong constituent assembly (con-ass) na layong palawigin ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang opisyal, pati na rin suspendihin ang 2028 national elections.
Sa isang panayam sa ANC noong Huwebes, Mayo 21, sinabi ni Senator Marcos na ang isyu kaugnay ng umano’y pagtatangkang pag-aresto kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa ay bahagi lamang ng mas malawak na usapin tungkol sa kontrol sa liderato ng Senado.
“The issue really was not Bato after all. It was really the leadership of the Senate,” ani Imee, at iginiit na may mga grupong nagtutulak ng pagbabago sa liderato upang isulong ang constitutional amendments.
Ayon sa kanya, kabilang umano sa mga tinalakay ang pagpapalawig ng termino ng mga kasalukuyang opisyal, kabilang ang mga kongresista at si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hanggang 2031 habang isususpinde ang halalan.
 “Change of constitution, add three more years to the current congressmen, and extend the term even of the President until 2031 and no elections except perhaps for local positions,” dagdag pa ni Imee.
Ayon pa kay Marcos, may panukala ring itaas ang minimum age requirement para sa pagkapangulo mula 45 hanggang 50, na aniya ay makaaapekto kay Vice President Sara Duterte.
Ipinahayag din niya na bahagi umano ito ng “incentive package” na iniaalok sa mga mambabatas bago ang impeachment vote sa Kamara laban kay Duterte.
“Don’t worry about the churches, don’t worry about Visayas, Mindanao, and the DDS because there will be no election. ‘No-el’ ang benta nila,” ani Marcos.
Dagdag pa niya, may mga pagtatangka ring ihinto ang imbestigasyon sa flood control projects at posibleng iugnay ang usapan sa 2027 at 2028 national budget sa planong constituent assembly.

Share.