Nagkainitan sa gitna ng live press conference sina NAPOLCOM Comm. Vicente Calinisan at pulis-Rizal na ipinatawag dahil sa ‘viral video’ ng pag-aresto nito sa isang senior citizen na driver.
Iniharap ni Calinisan ang pulis na umano’y magpabayad ng P30, 000 para sa danyos ng senior citizen.
Inalmahan naman ito ng pulis at sinabihan si Calinisan ng “Wag magpapogi sa media.”
Ayon sa pulis walang katotohanan ang sinabi ni Calinisan at hiling lang niya na bigyan siya ng pagkakataon na magpaliwanag.
Dahil dito, pinalabas ng conference room ang pulis. Ani Calinisan dapat lang matanggal ang mga pulis na tulad ni “Coporal” na nanamantala ng isang ordinar­yong sibilyan.
Batay sa CCTV ­footage, ang video ay tungkol sa minor collision kung saan nagkaroon ng pinsala ang mga sasak­yan ng pulis na nakatalaga sa Police Regional Office (PRO) 4A at isang nakatatandang sibilyan sa MLQ Avenue corner Mauling Creek, Brgy. Bagumbayan, Taguig City.
Samantala, nilinaw ng Taguig City Police Station na hindi sa kanila nakatalaga ang pulis.

Share.