Pasok na sa 2026 Playoffs ang Orlando Magic matapos nitong talunin ang Charlotte Hornets, 121-90.
Nakuha ng Magic ang huling spot (No. 8) sa Eastern Conference at nakatakdang harapin ang top seed na Detroit Pistons.
Hindi nahirapan ang Magic sa laban at nagtala ng 26-point lead sa pagtatapos ng first half.
Umabot pa sa higit 30 puntos ang kalamangan sa dominanteng run ng koponan.
Pinangunahan ni Franz Wagner ang mga starter na may plus-29 grade at 18-7-6 stat line.
Kumamada naman si Paolo Banchero ng 25 puntos, limang rebounds, anim na assists, at dalawang steal.
Nasayang ang 23 puntos ni LaMelo Ball dahil sa pagkatalo ng Hornets, habang inalat si Kon Knueppel na isang tres lamang ang naipasok sa anim na tira.
Trending
- Thunder di na kayang tumingin ng malayo
- Oscar Schmidt pumanaw na
- Vice Ganda, nag-ayuda ng P5K sa mga tsuper
- Mark Herras, e-exit na sa showbiz?
- Elisse Joson, ‘di pa bet magjowa
- DTI inilunsad P2B transport loan para sa mga operator, driver
- PBBM nagpalabas ng EO na nagsususpinde sa excise tax sa LPG, kerosene
- Toll-free passage ng mga trak ng gulay galing Benguet, aprub kay PBBM

