Nasawi ang mag-asawa nang masunog ang kanilang tindahan sa Barangay Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao Del Sur.
Kinilala ang mga nasawi na sina Basco at Noraisa Abdulgani.
Ayon kay F/INSP. Narisa Bansil, nagsimula ang sunog 11:55 nitong August 19 at natanggap ang tawag ng Fire Station 12:11 ng hating-gabi nitong August 20.
Sinabi ni Bansil na natutulog sa loob ng kanilang pwesto ang mag-asawa nang sumiklab ang apoy.
Humigit-kumulang sampung stalls ang tinupok ng apoy.
Naideklara namang fire out ang sunog 1:45 ng madaling-araw.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.

Share.