PINABABAKWIT ng Russia ang lahat ng diplomat at iba pang mga dayuhan na nakatira sa mga embahada, konsulado at mission houses sa pinakamadaling panahon.
Sinabi ni Russia spokeswoman Maria Zakharova na maaaring bombahin nang todo ng Russia ang Kiev, kapital ng Ukraine, kung aatakehin ng huli ang Moscow sa araw ng Victory Day Parade ngayon at bukas, Mayo 8 at 9.
Nauna rito, parehong nagdeklara ng pansamantalang tigil-putukan ang magkabilang panig nitong Mayo 5 at 6 ngunit binago ng Russia ang petsa at ginawang Mayo 8-9 dahil sa mga pag-atake sa isa’t isa.
Bukod sa mga pasilidag ng langis, barko sa Black Sea, araw-araw na inaatake ng mga Ukrainian drone mismo ang Moscow na pagdadausan ng Victory Parade.
Nagbabanta pa ang Ukraine na bobombahin nito ang Moscow mismo sa mga araw ng nasabing taunang selebrasyong pambansa ng Russia.
Dahil sa mga gawa ng Ukraine, araw-araw ring binobomba, dino-drone at mini-missile ng Russia ang maraming lugar ng Ukraine bagama’t bibihira nitong atakehin ang Kiev.
Ngayon lang nagbabala nang todo ang Russia na lahat ng mga dayuhang kinatawan ng ibang mga bansa ay dapat na lumayo sa Kiev.
Ayon kay Zakharova, dapat makinig nang husto at seryosohin ang babala ng pagbabakwit upang maiwasan ang hindi magandang pangyayari.
Kabilang umano sa maaaring gamitin ng Russia ang missile na Oreshnik na may 6 malalaking bomba sa isang putok at hindi basta mapabagsak ng anomang pananggalang ng Ukraine.
Umaabot sa 8 kilometrong palibot ang kayang pinasalain ng Oreshnik.
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman

