Matapos ang dikdikang laban, nanaig ang Creamline Cool Smashers laban sa Cignal HD Spikers sa Game 2 ng Finals, 25-23, 22-25, 25-16, 16-25, 15-11, upang makuha ang kampeonato sa 2026 PVL All-Filipino Conference.
Sa panalong ito, nakubra ng Cool Smashers ang kanilang ika-11 kampeonato at ikapitong All-Filipino crown.
Nagpakita ng tibay ng loob ang parehong koponan sa limang set na bakbakan, ngunit sa huling set ay nanaig ang Creamline upang tuluyang isara ang serye.
Sa tagumpay na ito, lalo ring pinagtibay ni Head Coach Sherwin Meneses ang kanyang pangalan bilang isa sa pinakamatagumpay na coaches sa PVL.
Ito’y matapos niyang makuha ang kanyang ikawalong kampeonato bilang head coach ng Creamline.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

