ARESTADO ang tatlong suspek na pumaslang sa isang lalakeng nagtatrabaho bilang virtual assistant kabilang ang lalakeng biyenan nito sa isa isinagawang follow up hot pursuit operations ng mga awtoridad ng Padre Garcia Municipal Police Station sa bayan ng Padre Garcia at Rosario Batangas, nuon araw ng Sabado ng April 11, 2026.
Ayon sa ipinadalang report ni Padre Garcia Chief of Police, P/Major Frank Davis Tuddao, sa opisina ni Batangas Police Provincial Office, Officer in Charge P/Colonel Meliton Salvadora Jr, kinilala ang biktima na si Eugene R. Mendoza, 39 anyos, habang ang tatlong suspek naman ay nakilalang sina alyas “Jess” 48 anyos, biyenan ng biktima, alyas “Edwin”, 45 anyos, at si alyas “Ceto”, 48 anyos pawang mga residente ng Brgy. Maugat West ng Padre Garcia.
Base sa paunang imbestigasyon dakong umaga ng April 10, 2026 ng ireport sa pulisya ng live-in partner ng biktima na si alyas “Jenina” na nawawala ang biktimang si “Eugene”, na huling nakita nuon pang April 8, 2026, habang nakasakay sa kanyang motorsiklo at nakapagchat pa umano ito na hinarang siya ng kanyang biyenan malapit sa bahay ng suspek na si alyas “Edwin” dahil sa pangyayari nagpasama si “Jenina” sa isang kamag anak para hanapin ang kinakasama at nadiskubre nila ang mga personal na gamit nito kabilang ang isang sirang cell phone at isang pares ng black sandals, malapit sa isang ulingan na pagmamay-ari ni alyas “Edwin” , dahil sa pangyayari agad nagsagawa ng paghuhukay at pagkakarekober sa bangkay ng biktima na personal naman kinilalala ng kanyang kinakasama dahil sa suot nitong short pants.
Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya kabilang na ang pagkalap ng CCTV footages at pagkuha ng testimonya ng mga posibleng saksi sa tulong ng Scene of the Crime Operatives o SOCO at nadakip sina alyas “Edwin” at alyas “Ceto”, sa kaparehong lugar habang si alyas “Jess” ay nahuli sa Rosario, Batangas.
Tikom parin hanggang ngayon ang tatlong suspek sa kanilang motibo sa pamamaslang na ngayon ay pansamantalang nasa kustodiya ng Padre Garcia Holding and Custodial Facility at inihahanda na ang kasong Murder laban sa kanila.
Trending
- ‘Di ako takot sa Trump admin – Pope Leo
- Brgy. officials sa ikatlong termino, disqualified na sa BSKE 2026
- Biyenan, 2 kasabwat sa pagpaslang sa manugang timbog
- Waiter may kasong frustrated murder timbog sa Caloocan
- Padre-de pamilya patay sa ambush
- P178m bulok na karne, isda narekober sa MICP
- 10 katao kulong sa iligal na minahan
- Pawnshop nilimas ng ‘Termite Gang’ sa Pasay

