Nagtakbuhan ang mga naliligo sa isang talon nang mangyari ang pamamaril sa Barangay Cahigon, Calinog, Iloilo noong Biyernes Santo, April 3.
Sa video maririnig ang putok ng baril at makikita ang mabilis na paglikas ng mga naliligo dahil sa takot.
Sugatan ang isang senior citizen at dalawa pang lalaki nang magbarilan at tagaan ang dalawang pamilya habang naliligo.
Sa imbestigasyon ng Calinog PNP, hindi nagkaintindihan ang dalawang grupo dahil sa kalasingan.
Arestado ang isang suspek habang pinaghahanap ang dalawa pa.
Patuloy ang imbestigasyon ng Calinog PNP sa insidente.
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman

