Naaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang isang 48-anyos na babae na nahaharap sa kasong kidnapping and serious illegal detention at estafa.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), dumating ang Pinay mula Los Angeles, United States noong Agosto 15.
Nakumpirma umanong may dalawang outstanding warrant of arrest laban sa kanya na inisyu ng mga korte sa Cebu City, na kapwa walang inirekomendang piyansa.
Agad siyang inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group–Regional Field Unit 7 (CIDG-RFU7) at NAIA Police Station 1, katuwang ang Bureau of Immigration at airline security personnel.
Dinala naman siya sa kustodiya ng CIDG-RFU7 para sa dokumentasyon at kaukulang legal na proseso.

Share.