Dumating na sa Mexico ang Gilas Pilipinas Women para sa kanilang kampanya sa FIBA Olympic Pre-Qualifying Tournament 2026 matapos magsagawa ng training camp sa Las Vegas, United States.
Ang Pre-Qualifying Tournament ay bahagi ng qualification pathway patungo sa FIBA Women’s Basketball World Cup 2026 na gaganapin sa Berlin, Germany.
Nasa Group B ang Gilas Women kasama ang Canada, Mexico at Senegal.
Unang haharapin ng Gilas Women ang host team na Mexico sa Agosto 18.
=====
Trending

