Arestado ang 33-anyos na store merchandise owner nang makumpiskahan ng tinatayang P1.7 milyong halaga ng ilegal na sigarilyo sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Poblacion 1, Calaca City, Batangas, noong Miyerkoles ng gabi, Agosto 12.
Ayon sa Batangas Police Provincial Office nahuli ang suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng dalawang master case ng Champion cigarettes.
Nasamsam din sa operasyon ang iba’t ibang pakete ng yosi gayundin ang isang utility van na sinasabing ginagamit sa pagdadala ng mga produkto.
Ayon sa pulisya, tinatayang P1.71 milyon ang kabuuang halaga ng mga nasabat na sigarilyo batay sa valuation ng Bureau of Customs.
Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at National Internal Revenue Code.
====
Trending

