Opisyal nang inilunsad ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang logo ng FIBA Women’s Asia Cup 2027, kasabay ng pag-anunsiyo na ang Cebu City ang magsisilbing host nito.
Gaganapin ang kompetisyon mula July 10 hanggang July 18, 2027, kung saan walong national team mula sa iba’t ibang bansa sa Asya ang magtatagisan patungong kampeonato.
Isasagawa ang lahat ng laban sa state-of-the-art SM Seaside Cebu Arena, kung saan magkakaroon ng home-court advantage ang Gilas Pilipinas Women.
Ayon sa SBP, ang pagho-host ng Pilipinas sa FIBA Women’s Asia Cup ay nagpapakita ng patuloy na paglago ng basketball sa bansa at ng hangarin nitong makapagdaos ng mga world-class international sporting event.
Malaki rin ang inaasahang magiging benepisyo nito sa turismo at lokal na ekonomiya ng Cebu dahil sa pagdagsa ng mga atleta, opisyal ng mga koponan, at basketball fans mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya.
Present sa logo reveal sina PSC Chairman Patrick Gregorio, Cebu-based PSC Commissioner Edward Hayco, SBP Executive Director Atty. Erika Dy at Board of Trustee Jose Franco Soberano, Dr. Rhoel Dejaño ng Cebu Provincial Sports Commission, at mga executive ng SM Supermalls na sina Joaquin San Agustin at Arnel Gonzales.
====
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS

