Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bukas sa lahat ng indibidwal ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program mahirap man o nasa middle class.
Sa media forum, sinabi ni DSWD Crisis Intervention Program Director Edwin Morata na ang “shocks” o unforeseen situations ay walang pinipiling social status sa panahon ng kalamidad o energy emergency.
“Hindi pinipili ng shocks kung ikaw ay mayaman o mahirap, may trabaho o wala, kung ikaw ay nasa middle class o ikaw ay low-income earner o minimum wage. Maaaring disaster, lahat tayo ay apektado. Ang energy emergency, lahat tayo ay apektado. Even health shocks, lahat tayo ay apektado,” sinabi ni Morata.
“‘Yan po ang lagi natin sinasabi na kapag may pangangailangan na hindi napaghandaan ng isang tao o pamilya, ‘yung pinansyal na kapasidad nila na tugunan ‘yung pangangailangan, kaya may ganito tayong programa,” dagdag pa niya.
Ayon sa DSWD, patuloy nitong pinalalakas ang panuntunan sa AICS para matugunan ang nagbabagong mga pangangailangan ng iba’t ibang kliyente.
Ang AICS program ay isang social welfare service na tumutulong sa mga pangangailangang medikal, burial, transportation, education, food, o iba pang financial needs.
Pinadali na rin aniya ang proseso ng aplikasyon ng AICS kung saan may sinusunod itong tatlong hakbang, ang queuing, assessment at interview, at paglalabas ng tulong.
Para sa documentary requirements, kailangan lamang magpakita ng kliyente ng mga sumusunod:
valid identification ng claimant; at
medical certificate, medical abstract, o certification mula sa psychiatrist o psychologist.
Depende sa tulong na hihingin, ang kliyente ay maaari ring magpasa ng mga sumusunod na proof of documentation para sa claim:
Para sa laboratory o diagnostic procedures, at requests para sa medical implants o assistive devices, kailangan ang request mula sa laboratory para sa diagnostic procedure na may price quotation.
Para naman sa mga pasyenteng sumasailalim sa therapy at iba pang special treatment ay kailangan ng doctor’s order o treatment protocol na may price quotation.
Para sa medicine requests ay kailangan ng reseta ng gamot, at para sa hospital bill assistance ay ang statement of account.
Sa 2026 national budget ay nakatanggap ang AICS program ng P63.9 bilyong badyet.
Trending
- Eala at Tjen nagdala ng ‘pagmamalaki’ sa Timog-Silangang Asya sa Roland Garros
- PSC at Lungsod ng Maynila, nananatiling magkaisa sa muling pagpapaunlad ng Rizal Memorial
- BINI pinarangalan sa Kamara
- Sam Verzosa spotted kasama si Faith da Silva
- Kylie Padilla nabawasan na ang angas, tapang dahil sa 2 anak
- 167 granada, mga baril isinuko sa Lanao del Sur
- Mga tanod gumawa ng sariling flood control sa Hagonoy, Bulacan
- Padilla: Bato nakisakay lang, walang ideya kung saan papunta

