Sinabi ng Department of Energy (DOE) nitong Martes na maaaring bumaba ang singil sa kuryente kung aalisin, babawasan, o pansamantalang sususpindihin ang Value Added Tax (VAT) sa kuryente, ngunit kailangan muna itong masusing pag-aralan.
Sinabi ng DOE na dapat dumaan sa malalim na pagsusuri ng economic managers, partikular ng Department of Finance at Kongreso, upang matiyak na hindi maaapektuhan ang kita ng pamahalaan at ang pagpapatuloy ng mga serbisyo.
“…any tax measure must be carefully evaluated by the country’s economic managers… to ensure that lower electricity costs are balanced with the government’s continued delivery of essential public services,” ayon sa DOE.
May nakabinbing panukalang batas sa Senado na naglalayong alisin ang VAT sa kuryente para sa mga konsumer na kumokonsumo lamang ng hanggang 150 kilowatt-hours kada buwan. Kapag naisabatas, maaari umanong bumaba ng hanggang PHP300 ang buwanang singil sa kuryente ng mga kwalipikadong sambahayan.
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman

