Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay ng sakit sa bato o chronic kidney disease (CKD).
Ayon sa DOH nitong Lunes, isa sa tatlong Pilipino o katumbas ng 36% ng populasyon ang may CKD.
Paliwanag ng ahensya, ang CKD ay isang kondisyon na unti-unting humihina o nasisira ang mga bato, kaya nahihirapan alisin ang dumi o sobrang tubig sa katawan.
Puwede naman umano itong tumama sa kahit sino, habang may mataas na panganib sa mga taong may diabetes, hypertension, at family history ng kidney diseases.
Gayundin ang mga taong obese, naninigarilyo o nagve-vape, umiinom ng alak, at madalas kumain ng mga pagkaing mataas sa asukal, asin, at preservatives.
“Silent killer ang CKD dahil madalas, wala itong sintomas sa umpisa. Pero maaari mong maranasan ang pamamaga ng mukha, kamay, at paa, madalas na pag-ihi lalo sa gabi, pagkawala ng gana sa pagkain, at hirap sa paghinga,” ayon pa sa DOH.
Pinapayuhan naman nag publiko na bawasan ang pagkain ng ultraproccesed food na madalas maging sanhi ng sakit ng bato, gayundin ang pag-inom ng tubig, pag-ehersisyo, at pag-iwas sa bisyo.
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman

