Tinatayang P278 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation sa Quezon City nitong Martes ng gabi, Abril 21.
Ayon sa PDEA, nasa 41 kilo ng shabu na nakatago sa isang paper bag at mga karton ang nakumpiska sa operasyon sa Andrade Street, Barangay Balingasa.
Dalawang Chinese national din ang nasakote sa operasyon, na kinilalang sina “Aye”, 33 anyos, at “Mok”, 32 anyos.
Narekober din mula sa dalawa ang isang SUV, Hong Kong passport, Hong Kong international driving permit, dalawang mobile phone, at ang marked buy-bust money.
Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Share.