Isinusulong ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagpapalawak ng tulong pinansyal sa gitna ng implikasyon ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on finance, na hindi dapat benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang dapat nabibigyan ng ayuda, kundi dapat isama rin ang mga tinatawag na “near-poor” households.
Aniya, tinamaan din sila ng pagbaba ng purchasing power o kakayahang bumili sanhi ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa sigalot sa Gitnang Silangan.
Kaya’ iminungkahi ni Gatchalian na ang mga pamilyang nasa ilalim ng 4Ps, na tinatayang nasa 4.4 milyon, ay bigyan ng P1,500 kada buwan sa loob ng tatlong buwan, na nagkakahalaga ng P19.8 bilyon sa pamahalaan.
Iminungkahi rin niya ang pagbibigay ng P2,500 na tulong pinansyal sa humigit-kumulang 1.32 milyong pamilyang near-poor, na may kabuuang halaga na P9.9 bilyon.
“Ang pinakaimportanteng problema na kailangan nating tugunan ay ang pagtiyak na ang mga mahihirap na ay hindi na lalong maghirap pa at ang mga ‘near-poor’ ay hindi tuluyang mahulog sa kahirapan. Kailangan nating siguraduhin na ang ating mga vulnerable na kababayan ay mabigyan ng proteksyon sa puntong ito,” diin ni Gatchalian sa isang public hearing na isinagawa ng Senate PROTECT ad hoc committee, na kaniyang pinamumunuan.
Tinataya ng Senate panel na ang 4.1% na pagtaas ng inflation noong nakaraang Marso ay naging dahilan upang mabawasan ang buwanang kakayahang bumili ng mga mahihirap na sambahayan ng hanggang P568, habang ang mga low-income o near-poor na sambahayan naman ay nawalan ng P569 hanggang P1,137.
“Kung aakyat ang inflation sa 4.6%–5.5%, ang ibig sabihin nito sa mga mahihirap na pamilya ay kabawasan pa sa kanilang purchasing power ng hanggang P638–P762 at P638–P1,526 na kabawasan naman sa mga low-income na pamilya,” anang senador.
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman

