Arestado ang isang waiter na may kasong tangkang pamamaslang sa isinagawang manhunt operation ng Caloocan City PNP sa Barangay 176-A, North Caloocan.
Kinilala ang suspek na isang 27-anyos, waiter at residente ng Barangay 176-B, na nahuli sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong frustrated murder sa ilalim ng Revised Penal Code.
Ayon sa pulisya, inisyu ang warrant ng Regional Trial Court Branch 124 sa Caloocan City, na may petsang April 11, 2026 at may inirekomendang piyansang P200,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Matapos ang pagkakaaresto, dinala ang suspek sa pagamutan para sa medical examination bago isinailalim sa kustodiya ng pulisya para sa dokumentasyon at paghahain ng kaukulang ulat sa korte.
Trending
- Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!
- Magic pasok na sa playoffs
- Italy-based Filipina gymnast sasabak sa World Challenge Cup
- Italy-based Filipina gymnast sasabak sa World Challenge Cup
- Justin Bieber, balik performer
- Charlie Puth magko-concert sa ‘Pinas
- Britney Spears nagpa-rehab dahil sa alak, droga
- Malnutrition sa mga bata pipigilan ng NEDAC

