Umani ng atensyon sa social media ang posibilidad na maglaro sa abroad si Calvin Oftana matapos lumabas ang ilang cryptic posts mula sa South Korean media tungkol sa umano’y paglipat niya sa Suwon KT Sonicboom.Kinumpirma ng kanyang ahente na si PJ Pilares na matagal nang interesado ang Korean team sa TNT star guard, kahit bago pa ito tuluyang mapunta sa Tropang 5G mula NLEX.
Ayon kay Pilares, hindi lamang KT Sonicboom ang nagpapakita ng interes kay Oftana, kundi may iba pang foreign teams na patuloy na nag-i-inquire tungkol sa kanyang availability.
Gayunpaman, nilinaw niya na hindi pa maaaring makipag-usap si Oftana sa mga foreign teams dahil sa umiiral nitong kontrata sa TNT.
Nakatali pa umano ang manlalaro sa kanyang kasalukuyang koponan hanggang Disyembre 2027, kaya’t hindi pa posible ang anumang negosasyon sa ngayon.
Dagdag pa ni Pilares, ang mga kumakalat na balita ay bunga lamang ng maling akala ng ilang Korean media tungkol sa kontrata ni Oftana, kaya’t nananatili siyang bahagi ng TNT sa mga susunod na taon.
Trending
- Malnutrition sa mga bata pipigilan ng NEDAC
- Madriaga ‘di na ipapatawag ng Kamara
- ‘Di pagpapamartsa sa graduation dahil may utang ipagbawal
- Toll discount sa mga pribadong sasakyan iminungkahi
- Defensor kinumpirmang ‘plan B’ si Baste Duterte sa 2028 elections
- Suplay ng langis extended sa 64 araw
- Price cap sa imported na bigas ngayon Abril
- Jake Paul balik sa boxing

