Muling nagliyab ang social media matapos mag-viral ang dating pahayag ni Vice Ganda kung saan diretsahan niyang tinalakay ang responsibilidad sa pagbuo ng pamilya.
Nagmula ang video sa segment na “Expecially For You” ng It’s Showtime, at muling pinag-usapan dahil sa matapang niyang opinyon tungkol sa pagkakaroon ng anak.
“Kung wala kang pera, ‘wag kang gumawa ng pamilya. ‘Yun lang ‘yun,” ani Vice, na agad umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens.
Hindi rin niya itinago ang posibleng pagtutol ng iba sa kanyang sinabi.
“Sorry this opinion might offend other people. Pero kung wala kang pera, ‘wag kang gumawa ng pamilya. Dahil kawawa lalong-lalo na kung may iluluwal kang batang hindi mo mapapakain nang maayos,” dagdag pa niya.
Idiniin pa ng TV host ang personal na pananagutan ng bawat isa.
“At the end of the day, ikaw ang sasalba sa sarili mo. Hindi ibang tao, ni hindi gobyerno, ikaw,” pahayag niya.
Dahil dito, nahati ang opinyon ng publiko—may mga sumang-ayon sa kanyang punto tungkol sa pagiging handa sa responsibilidad, habang ang iba naman ay kumontra at sinabing hindi dapat dinidiktahan ang sinuman pagdating sa pagbuo ng pamilya.
Anila:
“The advice should be… kung may pamilya ka na dapat magtrabaho at magsipag ka lalo.”
“Correct! Ako, ganyan ako. Kung sarili mo, Hirap k ng umangat, paano p kaya ang magiging Pamilya mo?”
“We are not in a perfect world vice, bakit mo sila pino problema, tumulong ka kung gusto mo , but you don’t have the right to say that.”
“Walang makakapag sabi sa swerte ng isang tao! Kung may naakaalam ng bukas wala na mahirap.”
“sa hirap ng buhay ngayon globally use your mind wisely no s** no job no money no s**.”
“Tutuo naman daming mahirap sangkatutak ang anak.”
“Tama k idol kawawa naman ang manga chonakes pg pabaya ang manga magulang.”

Share.