PINIRMAHAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagpapaliban sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa December one, 2025.
Sa ilalim ng bagong batas, gaganapin na ang halalan sa unang Lunes ng November 2026 na papatak sa November two.
Pinalawig mula sa dating tatlong taon, magiging apat na taon na ang termino ng mga opisyal ng barangay at SK.
Binigyan ng prayoridad ang BARMM Elections upang ituon ang pansin sa unang halalan ng Bangsamoro Parliament sa October 2025, isang mahalagang hakbang sa kapayapaan.
Ayon sa Korte Suprema, labag sa Konstitusyon ang pagpapaikli ng termino ng mga halal na opisyal.
Sa halip, pinalawig ang termino upang maiwasan ang paglabag.
Pero, tutol pa rin ang ilang grupo tulad ng NAMFREL at mga legal expert.
Sinasabing malapit ang bagong petsa sa Araw ng mga Kaluluwa, na maaaring makaapekto sa turnout ng mga botante.
www.youtube.com/shorts/shRqjA320aE?si=rH9fOd_Lk5anCkuK
www.youtube.com/shorts/F15jwQtVm3o?si=nDFWPsa2V6ZhIyfF
www.youtube.com/shorts/3_kEifa5_Qo?si=e4I4F-DjG54jQmT
www.youtube.com/shorts/D6Q5ij3y4a4
www.youtube.com/shorts/U5Bl_oy7gsM
www.tiktok.com/@dannyambrocio7/video/7538441323674750226
www.linkedin.com/feed/update/urn:li:activity:7361761696438198277/