CRISTY FERMIN AT IBA PA, NAGPIYANSA
https://saktoradiotv.com/cristy-fermin-at-iba-pa-may-arrest-warrant/

NAGPIYANSA na matapos maglabas ang Quezon City Regional Trial Court Branch 93 ng arrest warrant laban kay Cristy Fermin, pati sa kanyang mga co-host na sina Rommel Villamor at Wendell Alvarez, kaugnay ng kasong cyber libel na isinampa ni Bea Alonzo.
May petsang Hulyo 21, 2025 ang atas ng korte sa ilalim ni judge Cherry Chiara Hernando.
Itinakda ang piyansang ₱48,000 bawat isa.
May kaugnay ito sa paratang na umano’y mapanirang pahayag sa online show nina Fermin, kabilang ang isyu sa hiwalayan nina Alonzo at Dominic Roque.
May paratang din tungkol sa buwis at reklamo sa dating driver.
Ayon kay Cristy Fermin, “Ilalaban natin ito,” at bahagi raw ito ng kanyang trabaho bilang kolumnista.
Ang kampo ni Bea Alonzo ay nagsabing ito ang unang pagkakataong sinubukan niyang magsampa ng kaso matapos ang matagal na paninira.
Tinawag ng kanyang abogado ang desisyon ng korte bilang “vindication” at paghikayat sa accountability sa digital age.
Bukod dito, nagsampa rin si Alonzo ng iba pang reklamo ng libelo laban sa isa panmg popular na showbiz talk show host at sa isang di pa pinapangalanang tao na diumano’y gumamit ng kanyang pangalan online.
Papasok na sa trial phase ang kaso at inaasahan itong magiging test case para sa cyber libel sa media.

Share.