Nag-aabang na sa NBA Finals ang Oklahoma City Thunder matapos pabagsakin ang Minnesota Timberwolves sa Western Conference Finals.
Pinakita ng Thunder na sila ang mas malakas na koponan sa buong serye at sa Game 5 nga ay binaon na nila ang Timberwolves, 124-94.
Hinirang naman na Western Conference Finals MVP si Shai Gilgeous-Alexander, na kamakailan lang ay nasungkit naman ang 2025 NBA MVP award.
Samantala, inaabangan na lang ng Thunder kung sino ang mananalo sa Eastern Conference Finals sa pagitan ng Indiana Pacers at New York Knicks.

Share.