Pormal nang sinampahan ng kaso ang pitong kadete na sangkot sa hazing sa mahigit 20 kadete sa Philippine National Police Academy (PNPA) noong Abril 3.
Ayon sa PNP, paglabag sa RA 11053 o Anti-Hazing Act of 2018 ang isinampa sa pitong kadete na kinabibilangan ng limang third-class cadet at dalawang second-class cadet.
Bukod sa pitong kadete, sinampahan din ng kaso ang Tactical Officer of the Day at isang Tactical PNCO.
Isinampa ang reklamo ng Criminal Investigation and Detection Group sa Office of the Provincial Prosecutor sa Imus, Cavite.
Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng Internal Affairs Service (IAS) para sa kasong administratibong pananagutan ng mga kadete.
Nabatid na base sa imbestigasyon, nagtamo ng mga paso at lapnos ang mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan kabilang ang likod, binti, at maging sa maseselang parte matapos pahiran ng pinaghahalo umanong kemikal ng drain cleaner at muriatic acid.
Dahil sa pangyayari, nasibak sa pwesto ang siyam na opisyal ng PNPA kabilang ang director nitong nakaraang linggo.
Trending
- Ateneo , nag-sorry sa pamilya ng nasawing athletes
- Cebu City napiling host ng FIBA Women’s Asia Cup 2027, official logo inilabas na
- Pagkilala kina Eala, Obiena, at Yulo, inihain sa Senado
- Suntay, Topacio masisibak sa pagka-abogado sa Anne Curtis ‘nag-init’ isyu
- Resto inireklamo sa ‘dog meat’ menu
- Drug dealer patay sa police ops
- 2 stude sugatan sa rambulan
- Tennis academy itatayo sa CamSur Uptown

