Dalawang wanted sa kasong Murder ang arestado sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Sa ulat na tinangap ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili,mula kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, may inilabas na arrest warrant ang hukuman laban sa dalawang kelot na edad 23, at 19-anyos na kapwa residente ng Barangay Gen. T. De Leon.
Ang warrant of arrest ay parehong inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 172, Valenzuela City, para sa kasong Murder na kapwa walang inirekomendang piyansa.
Kaagad namang ikinasa ng mga opeartiba ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela Police ang operation laban sa dalawang akusado na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila sa nasabing barangay.
Pansamatalang ipiniit habang hinihintay ang utos mula sa korte para sa paglilipat sa kanila sa City Jail. (Roger Panizal)

Share.