Higit na marami ang nalungkot sa nalalapit nang paggiba sa ABS CBN building kung saan kasama doon ang Dolphy Theatre.
Ang PMPC Star Awards for Television ang pinakahuling showbiz function na ginanap sa nasabing venue, huh!
Siyempre, isa sa talagang nalungkot ay ang aktres na si Zsa Zsa Padilla.
Sa nalalapit na pagtibag sa Dolphy Theater na matatagpuan sa lumang gusali ng ABS-CBN ay magkahalo raw ang emosyon na nararamdaman ng singer at aktres, huh!
Hindi niya maitatagong makahulugan sa kanya ang naiwang alaala ng nakilalang Comedy King na si Dolphy.
“It’s bittersweet, of course, what’s happening to this place because this was named after Dolphy as a tribute to him after he passed on. But ‘yung circumstances talaga hindi natin maa-avoid. Kailangan siyang i-demolish kasama ng lumang building,” banggit pa ni Zsa Zsa Padilla.
Wala na rin namang magawa ang lahat ng nagmamahal sa ABS CBN kaya mag-move on na lang tayong lahat.
Trending
- Ateneo , nag-sorry sa pamilya ng nasawing athletes
- Cebu City napiling host ng FIBA Women’s Asia Cup 2027, official logo inilabas na
- Pagkilala kina Eala, Obiena, at Yulo, inihain sa Senado
- Suntay, Topacio masisibak sa pagka-abogado sa Anne Curtis ‘nag-init’ isyu
- Resto inireklamo sa ‘dog meat’ menu
- Drug dealer patay sa police ops
- 2 stude sugatan sa rambulan
- Tennis academy itatayo sa CamSur Uptown
