NAGDIWANG ng kanyang ika-52 taong kaarawan si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa pamamagitan ng pagkakaloob ng tulong sa mga residenteng nangangailangan Sabado ng umaga sa Sta Ana Hospital.
Ayon sa MPIO, patuloy na naglalaan ng pondo ang pamahalaang lungsod dahil sa dami ng mga nangangailangan ng tulong medikal upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
Matagumpay namang naisagawa ang pagkakaloob ng tulong sa mga residente ng Distrito 6 sa pamamagitan ng Kaagapay Program na ginanap sa Sta Ana Hospital, katuwang sina Vice Mayor Chi Atienza, mga konsehal na sina Elmer Par, Lou Veloso, Voltaire Castañeda, Doc Mercado at Christian Joey Uy, gayundin si Liga ng mga Barangay President Erika Platon.
Kaugnay nito, nagpaabot ng kani-kanilang mainit na pagbati ang mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan kay Mayor Isko Moreno, kabilang ang kanyang Chief of Staff na si Cesar Chavez, Secretary to the Mayor Manuel “Letlet” Zarcal, City Admininstrator Atty. Eduardo “Wardee” Quintos XIV, at iba pang opisyal na pawang nagpasalamat sa tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng alkalde. (Edison de Jesus)
