Walang aasahang taas-presyo sa basic necessities at prime commodities ang mga Pinoy hanggang Mayo 10.
Ito ang inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong Biyernes, Abril 17 matapos makakuha ng commitment mula sa mga manufacturer.
Mas matagal na ito sa naunang konsultasyon ng DTI kung saan ang mga manufacturer ay pumayag na panatilihin ang presyo ng kanilang mga produkto hanggang Abril 16, na kalaunan ay napalawig pa hanggang katapusan ng buwan.
Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, nagbigay-daan ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo para makakuha pa ng panibagong extension ang DTI.
“Whatever decrease in cost will always help,” ani Roque.
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman
