Espesyal at emosyunal ang Saturday episode nitong Abril 18 ng “It’s Showtime” para sa segment na “Laro Laro Pick” dahil ang players ay jeepney drivers.
Timing na timing ito dahil ilan lamang sila sa mga tsuper na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis na resulta naman ng digmaan sa Middle East, sangkot pa ang Amerika.
Bukod dito, nagbabalik-Showtime na rin si Meme Vice matapos ang ilang linggong pamamahinga; at pasabog ang comeback niya dahil naka-“Girlie” siya, ang babaeng character sa 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF) movie niyang “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” kung saan gumanap siya bilang quadruplets.
Nag-resurface sa social media ang Girlie character niya, at sumikat ulit ang “Goodness gracious” na sinasabi ng character niyang ito.
Kaya naman sa muling pagpasok niya sa noontime show, talagang ibinigay niya ang hiling ng Madlang Pipol na muli siyang masilayan sa ganoong character.
Naging emosyunal naman ang mga netizen nang marinig ang kuwento ng mga tsuper na labis na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng krudo, lalo na ang isang player na nagngangalang “Hapon.”
Kuwento ni Hapon, dahil isinurender na sa may-ari ang jeepney na kaniyang binibiyahe, na hindi na rin ipinamasada dahil sa taas ng presyo ng langis, natutulog na lang daw siya sa kung saan-saan, dahil ang jeepney na pinamamasada niya ang tinutulugan niya noon.
Kasabay nito, nanawagan din si Vice Ganda sa pamahalaan na sana raw, tulungan ang mga tsuper sa sitwasyon nila ngayon.
Sinabi ni Vice Ganda na tutulungan daw niya si Hapon na makauwi sa pamilya nito sa probinsya, at bibigyan ng kaunting tulong para makapagsimula ulit.
Sa pagtatapos ng segment, sinabi ni Vice Ganda na bibigyan niya ng tig-P5,000 ang mga natalong tsuper sa laro.
Nakuha naman ng tsuper na si Ricky ang jackpot prize na P200,000.
Sa huli, sinabi ni Vice Ganda na kahit hirap na hirap na raw ang ABS-CBN, lalo na sa isyung kinahaharap nito, mananatili pa rin ito sa kanilang serbisyo-publiko para sa mga Pilipino.
Trending
- Thunder di na kayang tumingin ng malayo
- Oscar Schmidt pumanaw na
- Vice Ganda, nag-ayuda ng P5K sa mga tsuper
- Mark Herras, e-exit na sa showbiz?
- Elisse Joson, ‘di pa bet magjowa
- DTI inilunsad P2B transport loan para sa mga operator, driver
- PBBM nagpalabas ng EO na nagsususpinde sa excise tax sa LPG, kerosene
- Toll-free passage ng mga trak ng gulay galing Benguet, aprub kay PBBM
