VALENZUELA NGAYON– DAHIL Vsa pagsabog ng mga nakaimbak na paputok kung saan umabot sa apat ang nasawi sa naganap na sunog dulot ng malakas na pagsabog ng mga naka-imbak na kuwitis at pulbura sa isang bahay sa Valenzuela City, kamakalawa ng tanghali.
Sa ulat ni Valenzuela Police Acting Chief P/Col. Joseph Talento, unang nasawi ang kambal na batang babae na 7-taong gulang nang maganap ang pagsabog habang alas-4:52 naman ng hapon nang idineklarang patay ang 2-taong gulang na batang lalaki habang nakaratay sa Valenzuela Medical Center.
Ganap na alas-9:00 naman ng gabi nang bawian din ng buhay ang 13-taong gulang na batang babae habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center.
Nananatili namang nasa Valenzuela Medical Center ang mga sugatang babae na may mga alyases na sina Lita, 52, Rosita, 63, Evelyn, 31, Michaela 24, ang dalawang batang may mga edad na 9 at 7, at dalawang lalaking sina Roujay, 24, ang may-ari ng bahay na pinagmulan ng pagsabog, at 5-taong gulang na batang lalaki
Magugunitang naganap ang pagsabog dakong alas-11:33 ng bago magtanghaling tapat sa 173 Pieces st. Batimana Compound, Brgy. Marulas na lumikha ng sunog na tumupok at nagwasak sa 11-bahay na nagresulta sa pagkawala ng tirahan ng may 10-pamilya. (Roger Panizal)

Share.
Exit mobile version