Sa pinakahuling babala ng PAGASA-DOST kanginang umaga, ika-16 Enero, patuloy na kumikilos pa-northwest ang Tropical Storm “Ada” habang nananatili ang lakas nito. Taglay nito ang malalakas na ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa Eastern Visayas, Caraga, Davao Oriental, Camiguin, Misamis Oriental, Bukidnon, Albay, Sorsogon, Masbate, at Catanduanes.
Samantala, umiiral ang Northeast Monsoon (Amihan) sa Hilaga at Gitnang Luzon.
Sa Metro Manila, asahan ang maulap na may pag-ulan, dulot ng Amihan.
Kaugnay nito, narito ang mga Lugar na Walang Pasok :
Sa Bicol Region : Camarines Sur kasama ang Caramoan (lahat ng antas, public & private); Catanduanes – Bagamanoc, Pandan, Panganiban (lahat ng antas) ; Masbate , kasama ang Mobo (lahat ng antas) ; Albay kasama ag buong probinsya (lahat ng antas) ; Sorsogon kasama ang buong probinsya (lahat ng antas) ; Catanduanes (karagdagang bayan) kasama ang Bato, Caramoran, Gigmoto (lahat ng antas); Camarines Sur (karagdagang bayan) kasama ang Tigaon (lahat ng antas);
Sa Eastern Visayas : Eastern Samar kasama ang buong probinsya (lahat ng antas) ; Northern Samar kasama ang buong probinsya (lahat ng antas) ; Biliran kasama ang Kawayan (lahat ng antas) ; Leyte kasama ang Burauen, Carigara, Jaro, Julita, Tanauan (lahat ng antas); Samar kasama ang Calbiga, Las Navas, Matuguinao (lahat ng antas); Paranas (preschool, senior high); Southern Leyte kasamaang Hinunangan (preschool, senior high); Samar kasama rin ang Catbalogan, Jiabong (lahat ng antas);
Sa Negros Island Region : Negros Oriental kasama ang Anjuyod (lahat ng antas) ;
Para sa mga opisina, nakadepende sa local government units .
