Handang tumulong si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Usec. Nicolas Torre III sa pag-aresto kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kung direktang uutusan para rito.
“Basta may information na si senator ay nandun sa landfill, sa waterways, sa ilog, pwede,” sinabi ni Torre sa media forum.
Matatandaan na si Torre ang nanguna sa operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto kay Apollo Quiboloy, founder ng Kingdom of Jesus Christ, at nagpatupad ng arrest warrant ng International Criminal Court laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nang tanungin kung nakahandang tanggapin kung aatasan siya ng Malakanyang sa paghuli kay Dela Rosa, ani Torre, “Basta MMDA area, nandyan sa kalsada, sa ilalim ng kanal, sa imburnal, o ‘yan, pwede.”
Ipinaliwanag ni Torre na ang MMDA ay maaari lamang tumulon sa mga lugar na nasa ilalim ng hurisdiksyon nito at ang ibang ahensya ay may mga sari-sariling designated responsibilities.
“Sa ibang mga areas na may iba namang mga office of primary responsibility, ay sila na ang magtrabaho,” paliwanag ni Torre, at sinabing ito ay nasa ilalim dapat ng “whole of government approach.”
Samantala, sinabi rin ni Torre na ang mga awtoridad ay dapat na magpatupad ng mga legal na proseso at warrants kahit na sino pang personalidad ang sangkot dito.
“Ang pagtingin ko diyan, institutional ‘yan e. It’s not about a person, it’s not about me, it’s not about Senator Bato. It is about a process, it is about a system, it is about a law, and it is about a job,” aniya.
“The authorities themselves are saying the warrant is legal and can be implemented, and for me, we have to respect the process. Let the systems work,” dagdag pa ni Torre.
Hindi maaaring mamili ang mga pulis kung kanino lamang na legal na kautusan ang ipatutupad.
“The job of the police is not to judge the case, but to implement the processes, and in this case, the warrant… So they have to do it, protect the process, let it roll in its natural course.”
Siniguro naman ni Torre na handa ang MMDA sa pakikipagtulungan sa mga imbestigador sa oras na humiling ng mga CCTV footage sa mga lugar na nasa paligid ng Senado.
“I think there was a letter circulating online that was supposedly going to be delivered to the MMDA today,” aniya.
“Whatever the investigating authorities need, and whatever the other agencies of the government need, the MMDA is ready to cooperate, and we will give them all the information that is in our database,” pagtatapos ni Torre.
Trending
- Eala at Tjen nagdala ng ‘pagmamalaki’ sa Timog-Silangang Asya sa Roland Garros
- PSC at Lungsod ng Maynila, nananatiling magkaisa sa muling pagpapaunlad ng Rizal Memorial
- BINI pinarangalan sa Kamara
- Sam Verzosa spotted kasama si Faith da Silva
- Kylie Padilla nabawasan na ang angas, tapang dahil sa 2 anak
- 167 granada, mga baril isinuko sa Lanao del Sur
- Mga tanod gumawa ng sariling flood control sa Hagonoy, Bulacan
- Padilla: Bato nakisakay lang, walang ideya kung saan papunta
