PAPAYAGAN ang mga trak na nagba-byahe ng mga gulay na itinanim ng mga magsasaka ng Benguet para sa toll-free passage, layon nito na makatulong na mapanatili ang food security sa gitna ng economic disruptions dahil sa conflict sa Iran.
Nauna rito, binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga pinakamahalagang trading hubs sa capital town para konsultahin ang mga magsasaka at tipunin ang kanilang rekomendasyon.
Unang tumigil ang Pangulo sa La Trinidad Vegetable Trading Post sa municipal center bago pa tumuloy sa Benguet Agri-Pinoy Trading Center.
Sa naging pagbisita ng Pangulo, inaprubahan nito ang panukalang magtatag ng isang processing facility para sa carrots at iba pang mga pananim na nabubulok, ayon kay Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel.

Share.
Exit mobile version