SANHI ng high pressure area sa Japan, itinutulak paibaba sa MetroManila ang direksiyon ng Super Bagyong Uwan.
Bukod sa superlakas na bayo ng hangin, ibinabala ang mala-tsunaming storm surges sa mga dalampasigan sa Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa pananalasa ng Bagyong Uwan.

Bagyong #UwanPH Inilabas noong 2:00 AM, Linggo, 09 Nobyembre 2025

⚠️ NAPAKATAAS NA PELIGRO NG NAKAMAMATAY NA STORM SURGE sa loob ng susunod na 48 oras.

May posibilidad ng pag-apaw ng tubig-dagat at malalaking alon sa mga mabababang baybaying komunidad sa mga sumusunod na lalawigan/bayan:
🔴 Tinatayang taas ng storm surge: higit sa 3 metro ALBAY, AURORA, CAGAYAN, CAMARINES NORTE, CAMARINES SUR, CATANDUANES, ISABELA, LA UNION, PANGASINAN, QUEZON, SORSOGON.

🟠 Tinatayang taas ng storm surge: 2.1–3 metro CAGAYAN, CAMARINES SUR, ILOCOS SUR, NORTHERN SAMAR, PANGASINAN, QUEZON, ZAMBALES.

🟡 Tinatayang taas ng storm surge: 1–2 metro BATAAN, BULACAN, CAGAYAN, CAVITE, EASTERN SAMAR, ILOCOS NORTE, METRO MANILA, PAMPANGA, DINAGAT ISLANDS, SURIGAO DEL NORTE, BATANGAS.

Share.
Exit mobile version