Tanging ang atletang si EJ Obiena lamang ang lalaki sa mga bagong endorser ng isang Century Tuna Superbods 2026, kasama sina Anne Curtis, Atasha Muhlach, Alice Dixson.
Ibinahagi sa social media ng nabanggit na produkto ang advertisement tungkol dito, para sa kanilang 20th anniversary.
“Icons in their Superbod era,” mababasa sa caption.
Agad namang nagpaabot ng pagbati sa kaniya ang mga netizen.
Bukod sa pagiging magaling na pole vaulter, isa rin sa mga “cutie” ng 2020 Tokyo Olympics si Ernest John Obiena o mas kilala bilang EJ Obiena—half Filipino, half Chinese.
Itinuturing na isa sa mga pinakamagaling na atleta ng Pilipinas sa kasalukuyan si EJ at isa sa iilang Pilipino na naging world-class sa athletics.
Nag-aral sa Chinese school bago maging isang Electronics Engineering student sa University of Santo Tomas si EJ Obiena. Hawak niya ang Philippine National Record sa pole vault na 5.55 na metro noong 2016 sa 78th Singapore Open Championships na ginanap sa Kallang, Singapore.

Share.
Exit mobile version