.UMANGAT nang bahagya pahilaga ang direksiyon ng Super Typhoon Uwan kaya’t hindi ito sesentro at dadaplis lamang sa MetroManila.
Gayyunman, inaasahan ang higit n amalakas na bayo ng hangin at malalakas nap ag-ulan na maaaring makasira ng mga ari-arian.
Sa pinakahuling forecast ng iba’t ibang ahensiyang tumutugis sa imahe ng Super Typhoon Uwan, natagpuan ito bandang alas-sais ng umaga sa layong 985 kilometro silangan ng Eastern Visayas.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 130 km/h at bugso na umaabot sa 160 km/h.
Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 km/h.
Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number2 sa Catanduanes ; Silangan at gitnang bahagi ng Northern Samar ; Hilagang-silangang bahagi ng Samar ; at Hilagang bahagi ng Eastern Samar.
Itinaas ang Signal Number1 sa malaking bahagi ng Luzon, Visayas, at ilang bahagi ng Mindanao. Kabilang dito ang Cagayan, Isabela, Aurora, Metro Manila, at mga kalapit na lalawigan;
buong Samar region; Leyte, Biliran; Hilaga ; at gitnang bahagi ng Cebu, Bohol, Negros Occidental, Iloilo, Antique; Dinagat Islands at Surigao del Norte.
Inaasahang magiging super typhoon si Uwan sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.
Posibleng tumama sa lupa ang mata ng bagyo sa timog Isabela o hilagang Aurora sa Linggo ng gabi o Lunes ng madaling araw.
Tatawid ito sa kabundukan ng Hilagang Luzon at lalabas sa West Philippine Sea sa Lunes ng hapon.
Bagamat hihina ito dahil sa kabundukan, mananatili itong isang bagyo habang nasa loob ng bansa.
Posibleng magkaroon ng storm surge o “mala-tsunami” na daluyong na lalampas sa 3.0 metro sa mga baybaying lugar ng: Isabela, Aurora, Quezon (kasama ang Polillo Islands);
Camarines Norte at Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon; Northern Samar at Eastern Samar.
May gale warning din sa hilaga at silangang baybayin ng Luzon at silangang bahagi ng Visayas.
Abangan po ang susunod na updates bandang alas-dos mamayang hapon dito sa ating facebook account; you tube channel at tatlong sister-websites—saktoradiotv.com; bandilanews.com at diariotagalog.net.

Share.
Exit mobile version