Posibleng muling tumaas ang presyo ng langis ngayong ikatlong linggo ng Agosto, ayon sa Department of Energy (DOE). Inaasahang ang pagtaas ng presyo sa mga sumusunod: •Diesel: P3.84 kada litro •Gasolina: P2.49 kada litro •Kerosene: P5.01 kada litro Samantala, sinimulan na ng pamahalaan ang pagpapatupad ng P12 kada litro na fuel discount para sa mga public utility vehicle (PUV).