Nasawi ang isang pulis nang iligtas ang dalawang kasamahan na tinangay ng malakas na agos sa Cadiz City, Negros Occidental noong Agosto 7.
Kinilala ng Philippine National Police (PNP) ang nasawi na si Police Master Sergeant Fernando Marfa ng Cadiz Component City Police Station.
Nagsasagawa umano ng seaborne patrol si Marfa kasama ang mga tauhan ng Bantay Dagat 10:30 ng umaga sa katubigan ng Sitio Bisang, Barangay Luna, nang tangayin ng malakas na agos ang dalawang kasamahan habang tumatawid sa ilog.
Agad na sumaklolo si Marfa ngunit hindi rin umano nito kinaya ang malakas na agos at tuluyang lumubog.
Isinugod si Marfa sa Cadiz District Hospital nguni’t idineklarang dead on arrival. Asphyxia by drowning ang nakatalang sanhi ng kanyang pagkamatay.
“PMSg Marfa made the ultimate sacrifice in the line of duty. His courage and willingness to risk his own life to save others reflect the finest traditions of the Philippine National Police,” ani PNP Chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr.
“Sa halip na unahin ang sariling kaligtasan, pinili niyang iligtas ang kanyang kasamahan. Hindi malilimutan ang kanyang tapang at sakripisyo,” dagdag niya.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang PNP sa pamilya, mga kasamahan, at mahal sa buhay ni Marfa.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS
