Hindi na itutuloy pa ng pulis na sinaktan ng common law wife ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña ang pagsasampa ng kaso.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, personal na desisyon ng nasabing pulis na miyembro ng Special Action Force (SAF) na huwag nang magsampa ng kaso.
Ani Fajardo, napag-isip-isip ng pulis na kaakibat ng kanyang trabaho ang masaktan.
Matatandaang nagtamo ng malaking bukol sa ulo ang naturang pulis nang mapukpok ng cellphone ni Honeylet.
Trending
- Typhoon Ada, walang pasok ngayon
- Mga Kaso ni Zaldy Co hiwa-hiwalay lilitisin ng Sandiganbayan
- CIVIL-MILITARY JUNTA : IBINUNYAG NI LACSON
- All-Japan : Nikoy Lining pasok sa Round of 32
- All-Japan : NikoyLining pasok sa Round of 32
- ICC : HATOL KAY DIGONG SA NOB. 28, 2025
- BERSAMIN; PANGANDAMAN OUT; RECTO, TOLEDO IN
- Kaso ni Digong sa ICC nakasalalak
