Nasawi ang isang agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at isang shabu dealer at tatlong miyembro naman ng Philippine Marines ang sugatan sa engkwentrong sumiklab sa kalagitnaan ng isang entrapment operation sa Bongao, Tawi-Tawi nitong Linggo, August 9.
Sa inisyal na ulat nitong tanghali ng Linggo ng mga regional officials ng Bangsamoro police sa Camp SK Pendatun sa Parang, Maguindanao del Norte, nasawi sa insidente si Ernie Jim Dayag, agent ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region, at isang shabu dealer na kanilang ka-transaksyon sa isang entrapment operation sa Mapanbubu sa Barangay Paniongan sa Bongao.
Ayon kay Abraham Kalim, na siyang namumuno ng team ng PDEA-BARMM sa Tawi-Tawi, ang leader ng pangkat na target ng entrapment operation na si Jimhar Jawadil, dating miyembro ng Abu Sayyaf terror group, ay napatay din sa naturang engkwentro.
Tatlong mga kasapi ng 4th Marine Battalion ng Philippine Navy na tumulong sa pagkasa ng naturang entrapment operation, kabilang ang kanilang commanding officer na si Lt. Col. Richard Malabanan, ang sugatan sa insidente. Nagtamo ng tama ng bala sa ulo si Malabanan, ayon sa mga officials ng Tawi-Tawi Provincial Police Office.
Agad na na-airlift si Malabanan ng isang Philippine Air Force team sa isang hospital sa Zamboanga City, ayon sa mga local executives sa Tawi-Tawi.
Iniulat ng mga local official sa Bongao, kabilang si Barangay Paniongan Chairman Manan Rasul, na nagsasagawa ng entrapment operation ang mga PDEA-BARMM agents, mga pulis at sina Malabanan sa Mapanbubu na nauwi sa engkwentro ng sila ay paputukan ng kanilang mga ka-transaksyon ng mahalatang aarestuhin na sana sila ng mga ito.
Unang nagpaputok ng mga assault rifles ang mga kasama ng dealers na target ng naturang entrapment operation na nakatago sa mga bahay na malapit sa lugar kung saan sila nagbenta ng shabu sa mga PDEA-BARM agents na kasama ang mga Marines at mga operatiba ng ibat-ibang units ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.
Nagtutulungan ang mga units ng PRO-BAR sa Tawi-Tawi, isa sa limang probinsya sa BARMM, at mga tropa ng 4th Marine Battalion sa pagtugis sa mga nakatakas na mga armadong shabu traffickers na sangkot sa madugong engkwentro.
====
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS
