Nananatili sa kustodiya ng Czech Republic ang puganteng si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co.
Sa isang video message ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nito na isinasagawa ng gobyerno ang lahat ng mga kinakailangang hakbang para sa pagbalik sa Pilipinas ni Zaldy Co.
“We will bring Zaldy Co home, and we will do so in accordance with the law. He will answer to the Filipino people,” pagtiyak ni Pagulong Marcos.
Sa katunayan, inutusan na niya ang Department of Justice (DoJ) kasama ang Department of Foreign Affairs (DoJ) na pangunahan ang pakikipag-ugnayan sa mga autoridad ng Czech Republic upang matiyak na maayos at naayon na proseso ang lahat ng kinakailangan.
Magpapadala rin aniya siya ng high-level coordination team upang tutukan ito.
Ang ganitong mga proseso aniya ay may sinusunod na mga legal na hakbang sa pagitan ng mga bansa.
Kaya’t nangangailangan aniya ng sapat na panahon upang maisagawa nang tama.
Matatandaang si Co ay isa sa mga itinuturong mastermind sa umano’y bilyon-bilyong pisong flood control at infrastructure anomalies noong 2025.
Nahaharap siya sa graft at malversation charges kaugnay ng umano’y iregularidad sa isang road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro na nagkakahalaga ng P289.4 million.

Share.
Exit mobile version