Wala tayong mako-komento diyan. Kaso na daw ‘yan eh. Antayin natin,” ani Padilla sa ambush interview.
Sa Mayo, sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida na iniimbestigahan ng Department of Justice ang posibleng pananagutan ni Padilla. Giit naman ng senador, hindi niya tinulungan si Dela Rosa kundi nakisakay lamang ito palabas ng Senado noong Mayo 14.
Nauna ring nagsampa ng reklamo ang Tindig Pilipinas at ilang human rights groups laban kay Padilla at iba pa dahil sa insidente.
“Syempre susunod tayo sa batas. Ako naman ay proven na sumusunod sa batas,” dagdag niya.
Si Dela Rosa ay may arrest warrant dahil sa umano’y “indirect co-perpetrator” sa crimes against humanity kaugnay ng mga pagpatay mula Hulyo 2016 hanggang Abril 2018. Noong Mayo 11, tinangkang ipatupad ang warrant sa Senado, ngunit nakalabas siya ng gusali noong Mayo 14 matapos ang ilang araw ng pagkakakulong sa protective custody ng Mataas na Kapulungan.

Share.
Exit mobile version