NASABAT ng mga awtoridad ang tinatayang P4.62 milyon halaga ng smuggled cigarettes sa Barangay Kinudalan, Lebak, Sultan Kudarat, alas-5 ng hapon nitong Agosto 12.
Nagsagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng Lebak Municipal Police Station, kasama ang iba pang police units, para isilbi ang warrant of arrest laban sa isang suspek na kinilalang si Michael Mamantar alyas “Mike.”
Gayunman, nakatakas ang suspek matapos umano nitong mapansin ang paparating na mga operatiba sakay ng isang motorized banca.
Habang papalapit ang mga awtoridad sa lugar, nadiskubre naman nila ang dalawang abandonadong kubo na pinaglagyan umano ng mga hinihinalang smuggled cigarettes.
Nakumpiska ang 88 cases ng Walton cigarettes na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P3.76 milyon, at 20 cases ng Red President cigarettes na tinatayang P855,680 ang halaga.
Umabot sa P4,620,672 ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang sigarilyo.
Isinagawa ang inventory sa Lebak Municipal Police Station dahil sa mahinang signal sa lugar, habang isinailalim din sa kaukulang koordinasyon at pagsusuri ng Bureau of Customs ang mga nakumpiskang kontrabando.
Patuloy ang manhunt operation laban sa suspek, habang inaabangan ang karagdagang ulat ng mga awtoridad.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS
